Friday, September 3, 2010

Susuko na ba ako?


Susuko na ba ako?  Ano na ba ang nangyayari sa akin, bakit nitong mga huling araw ay parang kinatatamaran ko ng mag-isip ng mga bagay-bagay para makatulong sa ating kalikasan at nagbabalak na ding ihinto ang aking mga ginagawa, pero bakit tuwing magbabalak ako ay parang ipinahihiwatig ng ating "Diyos" na huwag akong tumigil......pero nahihirapan na talaga ako sa pagwawalang-bahala ng mga nakakakilala sa akin na alamin ang aking mga ginagawa para sa ating kalikasan, unahin ko na ang mga kamag-anak ko, ano kaya ang nasasaloob nila......na ako ay malapit ng masira ang ulo sa mga ginagawa ko....kailangan sigurong ipakita ko sa kanila na ang utak ko ay kasintalas pa din ng ako ay nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya ng telepono.......

Taong 2000 ako nag-umpisa at taong 2004 ko unang binalak tigilan na ang mga ginagawa ko, ang pagtulong sa mga may-sakit, dahil nagkaroon ng onsehan sa kumpanyang itinayo namin sa Laguna, at ang pagtulong sa ating kalikasan dahil kailangan ang isang kumpanya para sa mga bagay na gagamitin....pero may isang pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.....gawa ng kaunting pagkakamali sa elektrisidad na ginawa ng tauhan ko ay nagkasunog sa bahay namin, mabuti na lang at hindi ako umalis ng araw na iyon......noong isinigaw sa akin na nasusunog ang itaas ng bahay namin ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo paakyat, wala kahit na anong panangalang o pamatay ng apoy na dala, ang sahig na kahoy ay nagliliyab na pati dingding at kisame, wala na akong magawa kundi hampasin ng hampasin ng nadampot kong damit ang mga nasusunog na bahagi, umiiyak at sumisigaw ako ng "Diyos ko" kung hindi ko mapapatay itong apoy ay sasama na ako, at himala ng himala nagkaisip ang mga bata sa kapitbahay na mag-akyat ng timba ng tubig, sa isip ko ano ang magagawa nito, sa maniwala kayo o sa hindi, parang may nagbulong sa akin na ang buhusan mo yung kisame, dahil pakalat na iyon, at ginawa ko naman, salamat sa "Diyos" at napatay ko yung sa kisame at yung mga kasunod na mga timba ay sa posible ng kuryente na pinagumpisahan ng sunog at yung sahig na kahoy na ang pinatay ko. Hindi ako makapaniwala na sa tatlong timba ng tubig ay mapapatay ko ang apoy na halos kalat na sa buong kuwarto, sunog-sunog ang mga paa at kamay ko pero hindi ko ito pinansin ang mahalaga buo ang bahay ko na pinaghirapan ko ng kung ilang taon!

Isang paalala lang sa mga bumbero natin, mas mabuti siguro doon sila magbuhos ng konsentrasyon sa kauumpisa pa lang ng sunog na bahay kaysa sa sunog na, o sa mga bahay na nakapalibot sa isang nasusunog o halos sunog na....tiyak na hindi gaanong lalaki ang sunog!

Isa pang pangyayari nitong mga nakaraang araw, sabi ko sa sarili ko, siguro dapat tigilan ko na talaga itong itinayo kong Foundation dahil parang tinatamad na yung mga Director na umattend ng meeting, siguro naiisip nila wala na akong pang-gastos sa mga gusto kong gawin at baka mautangan ko pa sila......isa o dalawa lang ang umaatend ng meeting kaya wala laging kurom, liban sa bigyan ko ng direktiba ang mga medyo sinipag na dumalo. Naisip ko isara na lang ang Foundation at mag-apply na lang ako sa malalaking Foundation na may pondo para magawa ang mga proyektong pangkalikasan, pero naisip ko din na paano naman yung mga miyembrong walang trabaho na pinangakuan ko na sila ang mga magtratrabaho....kaya magulo ang isip ko ng mga araw na iyon at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko......

Hangang isang araw na nagising ako na puno ng usok na mabaho ang kuwarto ko, wala namang sumisigaw ng sunog at sa isip ko naguumpisa pa lang.....pero laking gulat ko ng makita ko sa lababo na sunog na kaldero ang nandoon na ibig sabihin kapapatay pa lang.....biro ninyo sa pagtatanong ko dito, walang umamin na sila ang nakalimot iwanan yung kalan, ang umamin na nagpatay yun lang.....ano ba ito, muntik na naman palang nasunog ang bahay ko, ang masakit nito sumasabog ang LPG kaya baka natusta ako kung hindi nakita agad yung nasusunog na kaldero.......ayaw pa talaga ng ating "Diyos" na mawala ako, at ayaw niya din na tigilan ko na ito, ang pangangalaga ng kalikasan, at pagtulong sa mga kababayan nating walang mga trabaho......at pagbibigay ng mga pangkabuhayang proyekto (Livelihood)......at pagtulong sa mga batang lansangan na siya kong unang pinangarap na tulungan....mawawala lahat ito.......kung itutuloy ko ang binabalak kong pagsapi sa ibang Foundation....

Kaya balik ulit sa nasimulan ko, at ipinangako sa "Diyos" na dito na talaga ako mamamatay, ang pagtulong sa ating kalikasan at naghihirap na kababayan, at kahit na ano ang mangyari, hindi na ako bibitaw......

Sana mabasa ito ng aking mga kamag-anak at baka maawang tulungan ako sa hangarin ko, sa mga dati kong kasamahan sa PLDT, tulungan ninyo ako sa pagiging "Miyembrong Tagapagtaguyod" ng ating Foundation, hindi pa ako lumalapit sa inyo noong mga nakaraang araw dahil hindi pa tapos ang mga pananaliksik (Research) ko, ngayon ay tapos na, at huwag kayong mag-alala at hindi tibayan ito na walang tibay o networking, dahil dito kayo mismo ang hahawak ng perang itutulong ninyo, at dahil miyembro kayo, babalik ang inyong ini-share o itinulong sa Foundation, at sa inyong lugar mismo natin gagawin ang pagtulong sa ating kalikasan, sa proyektong "Kapaligiran ko, Panga-ngalagaan ko".....dahil hindi ko naman ihihingi sa inyo ng tulong ang ilog namin sa Meycauayan, sa kadahinanang hindi kayo taga-rito, babalikatin namin ito ng mga miyembrong taga-rito at mga "Miyembrong Tagapagtaguyod", sa tulong na din ng mga kumpanyang mababait ang mga may-ari na laang tumulong sa ating kalikasan.......

Kaunti na lang ang buhay natin, itulong na lang natin ang konti nating sigla at talino sa ating kalikasan habang hindi pa tayo ulyanin........at habang buhay pa tayo..........dahil ayaw man natin........kukunin din tayo ng "Diyos" natin......

At kung sakali man na kayo ay may dinaramdam o may karamdaman, hayaan ninyo akong tulungan kayo, dahil from telephone expert ay naging environmentalist at natural health consultant ang dati ninyong kaibigan at kasama sa trabaho. Ang dami na palang nawala sa ating mga kasamahan noong ako ay nasa Amerika, nakalulungkot din na isiping hindi ko sila natulungan dahil wala ako sa ating bansa....

Salamat po sa mga nagbasa at sana po ay maikalat itong blog na ito sa tulong ninyo, na makarating sa mga dati kong kasamahan sa PLDT......at sa mga naniniwala sa akin......"GOD Bless" po at salamat sa lahat....ng nagbasa....

Jaime Leandro F. Reyes (Jimmy Reyes)
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
0915-7194808
Kilala sa bansag na "Kabayo" sa PLDT Co. (Dati akong magaling mag-basketball)

Klik lang po ang "Susuko na ba ako?" sa itaas o kaya ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. para makita ang mga karagdagang impormasyon sa ating website!

No comments:

Post a Comment