Thursday, September 16, 2010

Computer, Wikang Filipino, at Kalikasan


Computer, Wikang Filipino, at Kalikasan

Nalalapit na naman ang Barangay at Sanguniang Kabataan election o pagpili ng mga mabobotong opisyales ng mga Barangay, ngunit alam ba natin na ang mga kasalukuyang opisyales ng mga Barangay na karamihan ay hindi marunong gumamit ng computer.

Sa aming mga pakikipagusap sa mga Barangay tungkol sa mga problema ng kalikasan at mga kailogan ay may mga nakikita kaming computer sa kanilang mga opisina, ngunit ang nakakalungkot, iyon ay internal lang daw o ang mga sekretaryo at clerk lang daw ang gumagamit kaya hindi na kailangan ang internet.....tignan po natin, kung ikaw ay isang kagawad, kapitan, o SK official ay hindi ba dapat na kailangan mong mag-aral ng computer, ng sa gayun ay matutunan mo ang mga batas pangkalikasan at maging ang mga batas ng ginawa sa ating bansa ng sa gayun ay malaman mo ang inyong mga karapatan sa pagpapatakbo ng inyong Barangay at maging ang karapatan ng inyong mga nasasakupan.....  


Parang malabong mangyari ano po, bakit po pa, hindi ba ang isang kandidato para maging opisyal ng isang Barangay o sa SK ay tanging qualification ay marunong bumasa at sumulat, hindi ba kahit grade one lang ang pinag-aralan ay nasa sa kanya iyon, hindi naman sinabi na English, dahil kung English tiyak walang makakapasa....hindi po ba, dahil ang pagsusulat ng English at pag-intindi ng English ay kailangan ang matagal na pag-aaral, pero paano naman yung mga batas na ginawa na kailangan din nilang malaman......wala naman tayong batas na ginawa sa tagalog.....wala ano po, kaya siguro yung lang talagang nakapag-aral ang mga nakakaintindi ng batas at siyang marunong magpatupad....


Ito po ang isa sa layunin ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.", ang pagtuturo ng mga batas pangkalikasan sa pamamagitan ng computer sa mga opisyales ng mga Barangay at sa "Wikang Filipino", ng sa gayun ay kahit na ang isang naluklok na opisyales na tanging ang naging kontribusyon sa Barangay ay "Magaling makisama" kaya siya ang naging kapitan, pero paano naman yung ayaw makisama sa kanya dahil nakikitang walang ginagawa para sa kanilang Barangay....at puro na lang pakikisama, magaling makipag-inuman at nagpapaluwal.....


Masakit tangapin ang katotohanan na sabihan ka ng iyong mga nasasakupan na ikaw na isang opisyales ng isang Barangay na wala naman alam sa mga batas pangkalikasan kaya nabababoy ang inyong lugar.....dumarami ang nawawalan ng trabaho dahil sa globalization at contractualization, may naitutulong ba kayo sa kanila....samantalang kung ikaw ay may kaalaman sa computer ay makikita mo kung saan ka dapat humingi ng tulong sa ating mga sangay ng gobyerno ng sa gayun ay mapaunlad mo ang iyong Barangay....


Pero paano naman kung English ang babasahin mo, di ba magaling ka lang makisama kaya ka naging opisyal, kaya gagawin mo kukuha ka ng sekretaryang marunong bumasa ng English, pero batas ito, at tanging mga abugado lang ang nakakaintindi, wala ka naman sigurong makukuhang sekretarya na abugada na napaka-imposibling mangyari.....


Kaya ang maipapayo namin sa mga mananalong "Opisyales ng mga Barangay" sa darating na eleksyon ay sumapi sa ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ng maituro namin sa inyo ang mga batas pangkalikasan, tamang pangangalaga ng inyong kapaligiran, mga proyektong pangkabuhayan (Livelihood), at iba pang mahahalagang bagay para sa ating kalikasan, gamit ang ating "Wikang Filipino" ng sa gayun tayo ay magkaintindihan....ano po?

At huwag po kayong mag-alala sa mga Direktor ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc" na mga hindi ordinaryong "GUARDIANS", ang mga magtuturo sa inyo ay kinabibilangan ng mga abugado, enhinyero, mananaliksik, at sayantista, dahil sila ay nakapag-aral ng mga batas, lalo na ang mga batas pangkalikasan at ito ang kanilang sinumpaan sa pagtulong sa ating bansa at lipunan.....


Salamat po sa nagbasa at kung kayo ay may kilalang gustong maging lingkod bayan ay sana po ay maparating ito sa kanila.....GOD Bless po sa lahat!


Jaime Leandro F. Reyes (Founder Jimrey)
Cahirman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. 

Kung nais makita ang mga Director ng ating Foundation, klik lang po ang mga letra sa ibaba ng (Founder Jimrey)!

No comments:

Post a Comment