Tuesday, September 7, 2010

Patay na ilog?

                                                                                    PATAY NA ILOG?

Pasensiya na po sa mga tatamaan ng blog na ito, di ko na talaga matiis na hindi ito sulatin dahil marami na ang napipinsala ng ilog ng "Obamma" o ilog ng Obando, Meycauayan, at Marilao, sa mga hindi po nakakaalam, magkakadugtong o magkakasugpong ang mga ilog na ito o hugis tirador, ang Meycauayan at Marilao ay naka-parallel sa isa't isa at parehong pumunta sa Ilog ng Obando, kaya kung tutuusin, ito po ay iisa....kaya po aming binigyan ng pangalang "ObaMMa"....


Ang nakikita ninyong larawan sa kaliwa ay ang ilog ng Marilao, kuha ito noon pang taong 2005 at pinag-aaaralan na ng Greenpeace, ano na ho kaya ang nangyari sa Greenpeace, bakit kaya ito iniwan?


Gayundin ang Blacksmith Institute na naka-base sa New York, USA, na siyang sumulat na ang tatlong ilog na ito ang siyang pinakamaruming ilog at kabilang sa tatlungpong pinakamaruming lugar sa buong mundo, pumunta daw sila (Blacksmith Institute) sa ating bansa at pinag-aralan din kung paano ito ibabalik sa dating kaanyuan, o ang pag-aalis ng basura at mga kemikal sa siyang lumalason sa ilog na ito.....


Asan na kaya sila sa panahong ito, ang dalawang ahensiya ng pangkalikasan (Greenpeace at Blacksmith Institute) na ginastusan ng ating gobyerno para siyang mangasiwa ng paglilinis ng ilog ng "ObaMMa"? Sabi ng isang miyembro natin, baka iba na daw ang pangalan at pinag-combine na lang sila, at alam ba ninyo kung ano ibinigay na pangalan, ito po: "Blackpeace"!!!!!!


Taong 2007 ng maging balita sa mga pahayagan at telebision ang gagawing paglilinis ng ilog na ito, ako ay nasa California at kasalukuyang nag-aaral ng "Natural Health Consultant" ng mabalitaan at mapanood ko ito, gawa ng pagiging makakalikasan ay inisip ko na umuwi at baka magamit ang aming teknolohiya ng "Lunas Kalusugan Corporation" na siya naming pinag-aaralan noong ako ay nasa Pilipinas pa.....at umuwi nga ako kahit hindi ko pa natatapos ang kursong "NHC" dahil mas mahalaga ang aking bansa kumpara sa Amerika na siyang makikinabang kung matatapos ko ang kursong ito....


Pero alam ba ninyo na pinag-sisihan ko ang pag-uwi noong panahong iyon......bakit ho ba.....wala naman akong interes kung hindi makatulong......sa ilog na aming pinaliliguan at pinanghuhulihan ng isda noong ako ay medyo bata pa.......pero alam ba ninyo ang nangyari?


Sa kabila ng halos sisidin namin ng mga kasamahang kong "GUARDIANS" ang ilog na ito para malaman kung ano ang isusulosyon para maibalik sa dating kaanyuan at kasariwaan ang ilog na ito, ay wala naman palang mangyayari.....


Ang Committee ng Rivers Recovery Program na ginawa ng mga Munisipyo at Siyudad na sinasakop ng Bulacan, kasama ang EMB o Environment Management Bureau ng DENR, Blacksmith Institute (DAW) at ilang kumpanya na nasa Bulacan ay minsan kaming naimbitahan para sumama sa pagpupulong na ginagawa nila, na hindi naman pala kami welcome......


Sa pagsasalita ko na kayang linisin ang ilog na ito ng isandaang araw lamang kung gagamitin ang aming teknolohiya ay pinagtawanan lang ng committee at hindi na inalam kung paano gagawin, at nagkomento na ng ganito ang Director ng EMB::::::: Ang America ay nilinis ang kanilang ilog ng isandaang taon (Ganoon pala ang balak niya) at ang Japan ay labinglimang taon, pagkatapos kayo ay isandaang araw lamang ninyo gagawin.....ok lang sana yung komento at puwede akong magpaliwag, kaya lang nagtatawanan sila na hindi ko nagustuhan kaya iba ang naisagot ko.......ito po ang naisagot ko: Bakit naniniwala ba kayo na ang mga Amerikano at Hapon ay mas matatalino kaysa sa Pilipino, kung gayun bakit walang Amerikano at Hapon dito sa pagpupulong at puro tayo Pilipino?


Nang walang makasagot ay lumabas muna ako para mag-sigarilyo at tuloy mag-isip pa ng itatanong na inakala ng mga kasama kong "GUARDIANS" na ako ay nag-walk-out, kaya sila man ay naglabasan na, na inakala naman ng Committee na kabastusan ang ginawa namin......nagkaroon ng masamang impresyon ang paglabas ko na binigyan ko lang naman sila ng panahong makapag-isip kong ano ang isasagot sa akin.....


Early part ng 2008 ho ito nangyari at hindi na kami ulit binigyan ng pagkakataon na mapatawag sa Committee, gayundin sa mga Munisipyo at Siyudad na hinihingan namin ng tulong para magawa ang teknolohiya namin, me Committee na daw kaya huwag na kaming makisali......


Bago tayo lumayo ay hayaan ninyo munang sagutin ko ang sinabi ng Director dahil hindi ko ito nasagot noon: Ang America ay talagang inabot ng isang daang taon dahil sinemento nila lahat ang mga ilog doon, wala naman silang (Committee) planong sementuhin ang mga ilog natin, ang Japan ay inabot ng labinlimang taon pero hindi pa din nila masasabing malinis dahil napakaitim pa ng tubig ilog......ang tinangal lang nila ay basura.......at ang mga basurang nakuha nila sa ilog ay dinadala sa ibang bansa, at maaring kasama pa ang ating bansa sa mga tumatangap ng kanilang mga basura.........totoo po ba o hindi?


Balik tayo sa "ObaMMa", ano na ba ang nangyari sa Committee, sa EMB, sa Greenpeace, sa Blacksmith Institute.....bakit patay pa ang ilog namin, taong 2011 na ngayon?


Ano-ano po ba ang binibigay na pinsala ng ilog ng "ObaMMa"?


Pag hindi naman tag-ulan ay wala naman halos pinsala, kundi ang mga may-aircon na bahay ay nababahuan kung magbubukas sila ng aircon, at ang mga isdang nabubuhay sa mga palaisdaan sa tabi ng ilog na ito ay maglasang gilik o hindi maganda ang lasa, na maaring makasama sa mga kakain, gayundin ang napaka-pangit na amoy at tanawin kung kayo ay nasa tabi nito, kung tag-ulan naman at ang ilog na ito ay humalo sa tubig palaisdaan ay tiyak na mamamatay ang mga isdang nandirito, at yung mga namamatay sa ihi ng daga gawa ng baha ay posibling sa ilog na ito nangagaling, ang sakit na dengue, ang mga basura galing sa SJDM, Caloocan, at Valenzuela ay dito naiipon sa ilog na ito dahil dito ang palabas sa dagat, ang mga deep well namin sa tabi ng ilog na ito ay hindi na mainom dahil parang burak na ang inilalabas.......at marami pang kadahilanan na hindi ko na siguro dapat pang ipaliwanag......


Sa pagsama ng "DSWD" sa "Climate Change Commission" ay maaring buhayin namin ulit ang "Paglilinis ng Ilog ng ObaMMa" dahil ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isa ding ahensiya ng "DSWD", wala na sigurong hahadlang pa para maisakaturan namin ito, at palagay din namin ay inwan na ito ng "Blacksmith Institute" dahil sa pagbabago ng ating Presidente.....at hindi na sila nagpaparamdam sa ngayon......


Pero hindi namin ito maisasakatuparan ng kami lang, kailangan din namin ang tulong ng "Sagip Pasig Movement" para kami tulungan dahil napagkayarian na namin ito bago pa mag-eleksyon, gayun din ang ibang "Foundation" na laang tumulong, at mga kababayan natin may pagpapahalaga pa din sa ating mga ilog at kalikasan sa Pilipinas, sa mga ahensiya ng gobyerno.....muli kaming kakatok sa inyong mga puso para kami ay tulungan na linisin ang mga ilog natin sa Pilipinas........kung kami po ay lalapit sa inyo, sana po ay kami ay tulungan at pagbigyan.........

Sa ngayon ay may nabubuo yata ulit na grupo na mangangalap ng pondo para linisin itong aming mga ilog, willing po kaming itulong ang aming teknolohiya kung talagang sa ilog ng Meycauayan, Marilao, at Obando ang paglalagyan ninyo ng pondong makakalap ninyo.....pero kung pansariling interest lang, maawa naman kayo sa aming ilog......

Pagtulong-tulungan na po natin ang mga problema natin sa ating kalikasan at kailogan, lahat naman po ng itutulong sa amin ay tutumbasan namin ng kapalit na trabaho para sa ating kalikasan....gayundin ang pagla-lathala ng inyong larawan at katayuan sa buhay (Profile) at kung may produkto man ay amin ding pong ilalathala, gayundin ang paglalagay ng inyong profile sa kapatid na blog ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"", sa "Sino ba ako?" blog na inyong makikita kung inyong iki-klik ang http://filipino-sinobaako.blogspot.com/ sa gawing itaas na kanan ng blog na ito....


Marami pong salamat sa nagbasa at pagpalain nawa ng ating "Panginoong Diyos" ang ating kalikasan sa ating bansa!!!!


Jaime Leandro Flores Reyes
President & CEO - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.


Paunawa: Kung nais makita ang aming mga gagawin sa ating mga ilog ay paki-klik lang po ang link sa "PATAY NA ILOG?" sa itaas, kanan!

No comments:

Post a Comment