Pambansang Wika at Kalikasan - Unang bahagi
Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.
May mahigit sa isang pambansang wika ang ilan sa mga bansa, katulad sa Canada na gumagamit ng Pranses at Ingles. Hindi dapat ipagkamali ang pambansang wika sa namamayaning wika, na sinasalita ng karamihan ng mga tao sa loob ng teritoryo ng isang bansa.
Gayumpaman, hindi nag-iisa ang Filipino, bilang opisyal na wika ng Pilipinas, ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng batas.
Ang mga nakasulat sa itaas ay halaw sa Tagalog Wikipedia!
Kaya natin ginamit ang Pambansang Wika o Tagalog o Filipino sa ating blog na ito ay dahil sa mga kadahilanan na nakasulat sa itaas, kaya simula sa araw na ito, Setyembre 1, taong 2010, ang lahat ng aming paanyaya, paghingi ng tulong, artikulo, komento, at mensahe ay gagamitan na natin ng ating wikang "Filipino" ang mga pagtuturo para sa pagtulong, pagsagip, at panga-ngalaga ng ating kalikasan. Hindi naman lahat ng Pilipino ay nakakaintindi ng englis na isinulong sa saligang batas ang pagtatakda ng opisyal na wika ng Pilipinas, kaya ating palalaganapin ang "Wikang Filipino" para umunlad na ang ating bansang Pilipinas!
Bakit nga ba hindi tayo umuunlad? Hindi ninyo ho ba alam, ang popolasyon ng ating bansa ay dominante ng mga nakapag-aral na hindi ginagamit ang kanilang pinag-aralan, mahirap intindihin ano po?
Sampolan natin ang isang kontrata, maraming magaling gumawa ng kontrata, pero bakit hindi isinasalin sa "Filipino" ng sa gayun ay maintindihan naman ng magkabilang panig, siyempre ang abogadong gumawa ay may pinapaborang kliyente kaya titirahin niyan ng mga legal terms na hindi maiintindihan ng kabilang panig, ano ang mangyayari pagkatapos na malaman ng kabilang panig na niloloko siya, di ba sasabihin lang na naka-pirma ka na sa kontrata kaya wala kang dapat ipagreklamo!
Isa pa, sa mga utility services katulad ng Meralco, Nawasa, Maynilad, at mga Telephone Company, may mga gumawa na ba na ang pipirmahan mong kontrata na nakasulat sa "Tagalog" o "Filipino", wala pa di ba, dahil kung ito ay gagawin nilang "Tagalog" tiyak na walang pipirma, kaya ang nangyayari dahil sa haba ng kontrata na nakasulat sa englis at kailangan mo ang kanilang serbisyo, pikit-matang pipirma ka, at pagkatapos na hindi mo nagugustuhan ang serbisyo magrereklamo ka, e sasabihin lang naman sa iyo na nakapirma ka na sa kontrata kaya magtiyaga ka!
Sa Amerika madaling matapos ang isang kaso sa hukuman, ke sibil o kriminal, kasi ginagamit nila ang englis na siya nilang wika, tayo hindi naman natin wika ang englis pero lahat ng papeles natin englis, ang tanong, lahat ba tayo o sila ay marunong mag-englis, ang abogado, ang nakasuhan, ang nagkaso, kaya ang isang kaso ng sibil natin ay inaabot ng kung ilang taon, dahil nagiintay lang sila ng hatol ng hukuman, dami yatang kaso sa lupa ang kinamatayan na ng nagkaso, siguro iyon lang ang iniintay nila....
Ang pagtulong at pagsagip sa ating kalikasan ay naparaming batas na ang nagawa, pero dahil ito ay nakasulat sa englis ay hindi nagagawa, sa ating mga Munisipyo, sa mga Siyudad, at sa mga Barangay na siyang nagpapatupad ng mga batas, hindi natin malaman kung ito ay nakakarating sa kanila o ayaw intindihin kung nakarating, kaya ang nangyayari halos isang dekada nang nagagawa ang batas ay wala pa ding implementasyon na nagagawa!
Isa ito sa mga pinaplanong gawin ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ang pagsasalin ng mga batas pangkalikasan sa wikang "Filipino", at ituro sa mga Barangay kung paano ito magagawa, sa nakaraang administrasyon ay tinangihan na kami ng mga Ahensiya ng Gobyerno, ng mga Munisipyo at Siyudad, kaya sa pagkakataong ito ay magu-umpisa muna kami sa mababa para tiyak na hindi kami mapahiya!
Sa tulong ng bagong administrasyon ni P-Noy ay muli kaming lalapit sa mga "Ahensiya ng Gobyerno" katulad ng "DENR" at "Environmental Ombudsman", hindi pera o pondo, kundi permiso o permit lang para kami ay kanilang maging akreditong representante, isang bagay para kami makapagdaos ng mga maikling pagsasanay (Seminar) gamit ang "Filipino" sa mga Barangay, Munisipyo at Siyudad, dahil ang kailangan naming permit ay nakabinbin pa sa kani-kanilang tangapan!
Sa mga miyembro at indibidual na gustong magkaroon ng maikling pagsasanay, ito ay nakapaloob sa ating direktiba ng re-organization o pagbabago ng mga tagapamahala, maari ninyong piliin kung ano ang gusto ninyong maikling pag-aaral o seminar!
Sa ikalawang bahagi naman po natin tatalakayin ang mga bagay-bagay para sa ating naghihingalo o namamatay nating kalikasan, kaya lagi sana kayong naka-antabay sa ating mga blog!
Salamat ho sa lahat ng nagbasa, paki-kalat (Share) na lang po itong blog, at pagpalain nawa ang ating bansa ng ating "Panginoong Diyos"!
Filipino (GSGWFI)
pagtatama lang po...hindi po tagalog ang pambansang wika ng pilipinas kundi "filipino". ito po ay ang diyalektong tagalog alongside with english language and other major dialects of the philippines, as mandated in the 1973 constitution, and further ratified in the 1987 constitution. isang diyalekto lamang po ang tagalog, at 30% po lamang ng kabuuang bilang ng mga pilipino ang gumagammit ng wikang ito.
ReplyDeletesalamat po
sinasabi po ninyo na "wikang filipino" o ang pambansang wika ang gagamitin natin, malinaw po na sinasabi ninyo rin na puwede tayong gumamit ng wikang "ingles" bilang pangalawang wika ng pilipinas. dahil po nasa konstitusyon natin na ang "wikang filipino" ay binubuo ng diyalektong tagalog, wikang ingles at iba pang major languages ng pilipinas.
ReplyDelete