Thursday, September 16, 2010

Computer, Wikang Filipino, at Kalikasan


Computer, Wikang Filipino, at Kalikasan

Nalalapit na naman ang Barangay at Sanguniang Kabataan election o pagpili ng mga mabobotong opisyales ng mga Barangay, ngunit alam ba natin na ang mga kasalukuyang opisyales ng mga Barangay na karamihan ay hindi marunong gumamit ng computer.

Sa aming mga pakikipagusap sa mga Barangay tungkol sa mga problema ng kalikasan at mga kailogan ay may mga nakikita kaming computer sa kanilang mga opisina, ngunit ang nakakalungkot, iyon ay internal lang daw o ang mga sekretaryo at clerk lang daw ang gumagamit kaya hindi na kailangan ang internet.....tignan po natin, kung ikaw ay isang kagawad, kapitan, o SK official ay hindi ba dapat na kailangan mong mag-aral ng computer, ng sa gayun ay matutunan mo ang mga batas pangkalikasan at maging ang mga batas ng ginawa sa ating bansa ng sa gayun ay malaman mo ang inyong mga karapatan sa pagpapatakbo ng inyong Barangay at maging ang karapatan ng inyong mga nasasakupan.....  


Parang malabong mangyari ano po, bakit po pa, hindi ba ang isang kandidato para maging opisyal ng isang Barangay o sa SK ay tanging qualification ay marunong bumasa at sumulat, hindi ba kahit grade one lang ang pinag-aralan ay nasa sa kanya iyon, hindi naman sinabi na English, dahil kung English tiyak walang makakapasa....hindi po ba, dahil ang pagsusulat ng English at pag-intindi ng English ay kailangan ang matagal na pag-aaral, pero paano naman yung mga batas na ginawa na kailangan din nilang malaman......wala naman tayong batas na ginawa sa tagalog.....wala ano po, kaya siguro yung lang talagang nakapag-aral ang mga nakakaintindi ng batas at siyang marunong magpatupad....


Ito po ang isa sa layunin ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.", ang pagtuturo ng mga batas pangkalikasan sa pamamagitan ng computer sa mga opisyales ng mga Barangay at sa "Wikang Filipino", ng sa gayun ay kahit na ang isang naluklok na opisyales na tanging ang naging kontribusyon sa Barangay ay "Magaling makisama" kaya siya ang naging kapitan, pero paano naman yung ayaw makisama sa kanya dahil nakikitang walang ginagawa para sa kanilang Barangay....at puro na lang pakikisama, magaling makipag-inuman at nagpapaluwal.....


Masakit tangapin ang katotohanan na sabihan ka ng iyong mga nasasakupan na ikaw na isang opisyales ng isang Barangay na wala naman alam sa mga batas pangkalikasan kaya nabababoy ang inyong lugar.....dumarami ang nawawalan ng trabaho dahil sa globalization at contractualization, may naitutulong ba kayo sa kanila....samantalang kung ikaw ay may kaalaman sa computer ay makikita mo kung saan ka dapat humingi ng tulong sa ating mga sangay ng gobyerno ng sa gayun ay mapaunlad mo ang iyong Barangay....


Pero paano naman kung English ang babasahin mo, di ba magaling ka lang makisama kaya ka naging opisyal, kaya gagawin mo kukuha ka ng sekretaryang marunong bumasa ng English, pero batas ito, at tanging mga abugado lang ang nakakaintindi, wala ka naman sigurong makukuhang sekretarya na abugada na napaka-imposibling mangyari.....


Kaya ang maipapayo namin sa mga mananalong "Opisyales ng mga Barangay" sa darating na eleksyon ay sumapi sa ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ng maituro namin sa inyo ang mga batas pangkalikasan, tamang pangangalaga ng inyong kapaligiran, mga proyektong pangkabuhayan (Livelihood), at iba pang mahahalagang bagay para sa ating kalikasan, gamit ang ating "Wikang Filipino" ng sa gayun tayo ay magkaintindihan....ano po?

At huwag po kayong mag-alala sa mga Direktor ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc" na mga hindi ordinaryong "GUARDIANS", ang mga magtuturo sa inyo ay kinabibilangan ng mga abugado, enhinyero, mananaliksik, at sayantista, dahil sila ay nakapag-aral ng mga batas, lalo na ang mga batas pangkalikasan at ito ang kanilang sinumpaan sa pagtulong sa ating bansa at lipunan.....


Salamat po sa nagbasa at kung kayo ay may kilalang gustong maging lingkod bayan ay sana po ay maparating ito sa kanila.....GOD Bless po sa lahat!


Jaime Leandro F. Reyes (Founder Jimrey)
Cahirman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. 

Kung nais makita ang mga Director ng ating Foundation, klik lang po ang mga letra sa ibaba ng (Founder Jimrey)!

Tuesday, September 7, 2010

Patay na ilog?

                                                                                    PATAY NA ILOG?

Pasensiya na po sa mga tatamaan ng blog na ito, di ko na talaga matiis na hindi ito sulatin dahil marami na ang napipinsala ng ilog ng "Obamma" o ilog ng Obando, Meycauayan, at Marilao, sa mga hindi po nakakaalam, magkakadugtong o magkakasugpong ang mga ilog na ito o hugis tirador, ang Meycauayan at Marilao ay naka-parallel sa isa't isa at parehong pumunta sa Ilog ng Obando, kaya kung tutuusin, ito po ay iisa....kaya po aming binigyan ng pangalang "ObaMMa"....


Ang nakikita ninyong larawan sa kaliwa ay ang ilog ng Marilao, kuha ito noon pang taong 2005 at pinag-aaaralan na ng Greenpeace, ano na ho kaya ang nangyari sa Greenpeace, bakit kaya ito iniwan?


Gayundin ang Blacksmith Institute na naka-base sa New York, USA, na siyang sumulat na ang tatlong ilog na ito ang siyang pinakamaruming ilog at kabilang sa tatlungpong pinakamaruming lugar sa buong mundo, pumunta daw sila (Blacksmith Institute) sa ating bansa at pinag-aralan din kung paano ito ibabalik sa dating kaanyuan, o ang pag-aalis ng basura at mga kemikal sa siyang lumalason sa ilog na ito.....


Asan na kaya sila sa panahong ito, ang dalawang ahensiya ng pangkalikasan (Greenpeace at Blacksmith Institute) na ginastusan ng ating gobyerno para siyang mangasiwa ng paglilinis ng ilog ng "ObaMMa"? Sabi ng isang miyembro natin, baka iba na daw ang pangalan at pinag-combine na lang sila, at alam ba ninyo kung ano ibinigay na pangalan, ito po: "Blackpeace"!!!!!!


Taong 2007 ng maging balita sa mga pahayagan at telebision ang gagawing paglilinis ng ilog na ito, ako ay nasa California at kasalukuyang nag-aaral ng "Natural Health Consultant" ng mabalitaan at mapanood ko ito, gawa ng pagiging makakalikasan ay inisip ko na umuwi at baka magamit ang aming teknolohiya ng "Lunas Kalusugan Corporation" na siya naming pinag-aaralan noong ako ay nasa Pilipinas pa.....at umuwi nga ako kahit hindi ko pa natatapos ang kursong "NHC" dahil mas mahalaga ang aking bansa kumpara sa Amerika na siyang makikinabang kung matatapos ko ang kursong ito....


Pero alam ba ninyo na pinag-sisihan ko ang pag-uwi noong panahong iyon......bakit ho ba.....wala naman akong interes kung hindi makatulong......sa ilog na aming pinaliliguan at pinanghuhulihan ng isda noong ako ay medyo bata pa.......pero alam ba ninyo ang nangyari?


Sa kabila ng halos sisidin namin ng mga kasamahang kong "GUARDIANS" ang ilog na ito para malaman kung ano ang isusulosyon para maibalik sa dating kaanyuan at kasariwaan ang ilog na ito, ay wala naman palang mangyayari.....


Ang Committee ng Rivers Recovery Program na ginawa ng mga Munisipyo at Siyudad na sinasakop ng Bulacan, kasama ang EMB o Environment Management Bureau ng DENR, Blacksmith Institute (DAW) at ilang kumpanya na nasa Bulacan ay minsan kaming naimbitahan para sumama sa pagpupulong na ginagawa nila, na hindi naman pala kami welcome......


Sa pagsasalita ko na kayang linisin ang ilog na ito ng isandaang araw lamang kung gagamitin ang aming teknolohiya ay pinagtawanan lang ng committee at hindi na inalam kung paano gagawin, at nagkomento na ng ganito ang Director ng EMB::::::: Ang America ay nilinis ang kanilang ilog ng isandaang taon (Ganoon pala ang balak niya) at ang Japan ay labinglimang taon, pagkatapos kayo ay isandaang araw lamang ninyo gagawin.....ok lang sana yung komento at puwede akong magpaliwag, kaya lang nagtatawanan sila na hindi ko nagustuhan kaya iba ang naisagot ko.......ito po ang naisagot ko: Bakit naniniwala ba kayo na ang mga Amerikano at Hapon ay mas matatalino kaysa sa Pilipino, kung gayun bakit walang Amerikano at Hapon dito sa pagpupulong at puro tayo Pilipino?


Nang walang makasagot ay lumabas muna ako para mag-sigarilyo at tuloy mag-isip pa ng itatanong na inakala ng mga kasama kong "GUARDIANS" na ako ay nag-walk-out, kaya sila man ay naglabasan na, na inakala naman ng Committee na kabastusan ang ginawa namin......nagkaroon ng masamang impresyon ang paglabas ko na binigyan ko lang naman sila ng panahong makapag-isip kong ano ang isasagot sa akin.....


Early part ng 2008 ho ito nangyari at hindi na kami ulit binigyan ng pagkakataon na mapatawag sa Committee, gayundin sa mga Munisipyo at Siyudad na hinihingan namin ng tulong para magawa ang teknolohiya namin, me Committee na daw kaya huwag na kaming makisali......


Bago tayo lumayo ay hayaan ninyo munang sagutin ko ang sinabi ng Director dahil hindi ko ito nasagot noon: Ang America ay talagang inabot ng isang daang taon dahil sinemento nila lahat ang mga ilog doon, wala naman silang (Committee) planong sementuhin ang mga ilog natin, ang Japan ay inabot ng labinlimang taon pero hindi pa din nila masasabing malinis dahil napakaitim pa ng tubig ilog......ang tinangal lang nila ay basura.......at ang mga basurang nakuha nila sa ilog ay dinadala sa ibang bansa, at maaring kasama pa ang ating bansa sa mga tumatangap ng kanilang mga basura.........totoo po ba o hindi?


Balik tayo sa "ObaMMa", ano na ba ang nangyari sa Committee, sa EMB, sa Greenpeace, sa Blacksmith Institute.....bakit patay pa ang ilog namin, taong 2011 na ngayon?


Ano-ano po ba ang binibigay na pinsala ng ilog ng "ObaMMa"?


Pag hindi naman tag-ulan ay wala naman halos pinsala, kundi ang mga may-aircon na bahay ay nababahuan kung magbubukas sila ng aircon, at ang mga isdang nabubuhay sa mga palaisdaan sa tabi ng ilog na ito ay maglasang gilik o hindi maganda ang lasa, na maaring makasama sa mga kakain, gayundin ang napaka-pangit na amoy at tanawin kung kayo ay nasa tabi nito, kung tag-ulan naman at ang ilog na ito ay humalo sa tubig palaisdaan ay tiyak na mamamatay ang mga isdang nandirito, at yung mga namamatay sa ihi ng daga gawa ng baha ay posibling sa ilog na ito nangagaling, ang sakit na dengue, ang mga basura galing sa SJDM, Caloocan, at Valenzuela ay dito naiipon sa ilog na ito dahil dito ang palabas sa dagat, ang mga deep well namin sa tabi ng ilog na ito ay hindi na mainom dahil parang burak na ang inilalabas.......at marami pang kadahilanan na hindi ko na siguro dapat pang ipaliwanag......


Sa pagsama ng "DSWD" sa "Climate Change Commission" ay maaring buhayin namin ulit ang "Paglilinis ng Ilog ng ObaMMa" dahil ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isa ding ahensiya ng "DSWD", wala na sigurong hahadlang pa para maisakaturan namin ito, at palagay din namin ay inwan na ito ng "Blacksmith Institute" dahil sa pagbabago ng ating Presidente.....at hindi na sila nagpaparamdam sa ngayon......


Pero hindi namin ito maisasakatuparan ng kami lang, kailangan din namin ang tulong ng "Sagip Pasig Movement" para kami tulungan dahil napagkayarian na namin ito bago pa mag-eleksyon, gayun din ang ibang "Foundation" na laang tumulong, at mga kababayan natin may pagpapahalaga pa din sa ating mga ilog at kalikasan sa Pilipinas, sa mga ahensiya ng gobyerno.....muli kaming kakatok sa inyong mga puso para kami ay tulungan na linisin ang mga ilog natin sa Pilipinas........kung kami po ay lalapit sa inyo, sana po ay kami ay tulungan at pagbigyan.........

Sa ngayon ay may nabubuo yata ulit na grupo na mangangalap ng pondo para linisin itong aming mga ilog, willing po kaming itulong ang aming teknolohiya kung talagang sa ilog ng Meycauayan, Marilao, at Obando ang paglalagyan ninyo ng pondong makakalap ninyo.....pero kung pansariling interest lang, maawa naman kayo sa aming ilog......

Pagtulong-tulungan na po natin ang mga problema natin sa ating kalikasan at kailogan, lahat naman po ng itutulong sa amin ay tutumbasan namin ng kapalit na trabaho para sa ating kalikasan....gayundin ang pagla-lathala ng inyong larawan at katayuan sa buhay (Profile) at kung may produkto man ay amin ding pong ilalathala, gayundin ang paglalagay ng inyong profile sa kapatid na blog ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"", sa "Sino ba ako?" blog na inyong makikita kung inyong iki-klik ang http://filipino-sinobaako.blogspot.com/ sa gawing itaas na kanan ng blog na ito....


Marami pong salamat sa nagbasa at pagpalain nawa ng ating "Panginoong Diyos" ang ating kalikasan sa ating bansa!!!!


Jaime Leandro Flores Reyes
President & CEO - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.


Paunawa: Kung nais makita ang aming mga gagawin sa ating mga ilog ay paki-klik lang po ang link sa "PATAY NA ILOG?" sa itaas, kanan!

Saturday, September 4, 2010

"Kapaligiran ko, Panga-ngalagaan ko"!


"Kapaligiran ko, Panga-ngalagaan ko"!

Sa pagdami ng mga makakalikasang grupo simula ng manalasa si "Ondoy" sa ating bansa noong Setyembre 25-26, 2009 ay lalong nagulo ang mga planong nasimulan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.", at ito po ay totoo.

Bakit po ba nagulo, kasi po ay nagpapa-boluntaryo ang mga grupong ito na gagawa ng mga tree planting project, paglilinis ng mga kalye, paga-ayos ng basura, paglilinis ng ilog o dagat na minsan lang sa isang taon na taliwas sa plano namin na pagtrabahuhin ang mga walang trabaho nating kababayan at gawing mga "Environmental Expert" na malaking bagay para sa ating namamatay na kalikasan.....

Sa aking mga pagsasalita sa mga pagtitipon (Meeting) at pagsusulat ng mga artikulo at blog ay lagi kong sinasabi na hindi makukukuha ng pagbo-boluntaryo ang pagtulong sa ating kalikasan dahil ito ay iniraraos lang para makilala at makakuha ng pondo......masakit man sabihin pero ito ang totoo.....

Kung nagagawa natin ang ganitong sistema noong hindi pa nanalasa si "Ondoy" sa ating bansa ay huwag na natin sanang gawin ngayon dahil nagagalit na talaga ang ating kalikasan......

Sa tingin ba natin walang isip ang ating kalikasan.....kaya ganoon na lang natin siya kung tratuhin.....na puro kaplastikan lang ang ating ginagawa para makatulong kuno sa kanya....

Pero siguro sasabihin ninyo na nasisiraan na ako ng bait sa sinulat ko na may isip ang ating kalikasan kaya bibigyan ko kayo ng halimbawa, huwag na iyong ganti ni Ondoy, ito na lang, at kung hindi kayo maniniwala sa akin, ipinapayo ko na magsaliksik (Research) kayo.....

Alam ba natin na simula ng mauso ang coco lumber na ipinapalit natin sa mga punong-kahoy sa pag-gawa ng bahay ay isandaan at limanpong tao ang namamatay gawa ng nabagsakan ng bunga ng niyog taon-taon? Ano po ang ibig sabihin nito....na hindi naman nangyayari noong wala pang coco lumber.....kung nangyayari man tiyak isolated case lang.......gaya ng sabi sa mga balita noong mga nakaraang araw....pero ito pong average yearly na ito ay hindi lang dito sa ating bansa nangyayari at baka sabihin ninyo wala kayong nababalitaan.....hindi lang po sa ating bansa ang may tanim na niyog, kahit sa Amerika ay mayroon din.....sa mga bansa sa Asia ay halos lahat may ay tanim......may isip po ba o wala ang puno ng niyog, na isa sa ating kalikasan na ginawa ng ating "Diyos"?

Dito na po tayo sa "Kapaligiran ko, Panga-ngalagaan ko" na una nating gagawing proyekto, ito ay naglalayong pagkaisahin ang lahat ng Pilipino na gawin ang mga proyektong pangkalikasan na hindi iaasa sa gobyerno ang pag-gawa, hihingi lang tayo sa kanila ng tulong pinansiyal, at ang mga gagawa ay ang mga kababayan nating walang trabaho.....

Susunod lang po tayo sa EO 774-S10, (b) ng ating nakaraang Pangulong GMA, hindi ito nasunod noong nakaraang taon gawa ng kanyang mga nagsa-walang bahalang kabenete pero sa pagkakataong ito atin po sanang sundin, ganito ang nakasaad dito: Other government agencies and the entire "Filipino People" shall be made to understand and enjoined to fully cooperate and perform their respective roles and responsibilities to face climate change.

Ang inyong nabasang Executive Order ay gawa ng "Presidential Task Force on Climate Change" na nagsasabi sa wikang "Filipino" ng: Ang ibang sangay ng gobyerno at ang lahat ng "Pilipino" ay kailangang maintindihan at hinihikayat na magbigay ng kanilang lubos na kooperasyon at gawin ang kanilang kagalingan at reponsibilidad sa pagharap sa pagbabago ng klima...

Ganito po ang ating gagawin para makasunod sa kautusang ito, at kami po ng aming mga miyembro ay nanghihikayat na kayo ay sumapi sa  "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." upang magawa natin ang mga bagay na ito:

1. Kada Munisipyo o Siyudad na sinasakop ng Region 3 at NCR (Ito pa lang po ang lugar ng lesensiya natin sa DSWD) ay kailangang may Director o Board Member ng "GSGWFI" ang mangangasiwa, kaya sa inyo-inyo din lugar kayo pipili ng inyong Director, ang mga kasalukuyan naming mga Director ay may kanya-kanya ng lugar o assignment..
2. Maghimok ng mga magiging miyembro at kung maari ay yung mga walang trabaho, piliin lang po sana yung mga walang record sa polisya at baka sila ay mapadala din natin sa ibang bansa sa hinaharap, gayundin ang mga nag-aakala na wala na silang silbi sa mundo, katulad ng mga lumpo, pilay, o anupaman na kadahilanan (Disabled), bigyan natin sila ng pagkakataon, pakita natin na kailangan din sila ng ating kalikasan, malaking bagay para sa kanila na mabigyan ng importansiya...
3. Tiyakin lang na sila ay makapagbibigay ng "Membership fee o share" sa Foundation para maitayo natin ang opisina sa inyo-inyong lugar, at kung may miyembro namang "Tagapagtaguyod" ay abonohan muna at babalik din naman sa inyo ito, at singilin kung sila ay nagtratrabaho na...
4. Sa kada Siyudad ay kailangang may Presidente, Bise, Auditor, Sekretaryo, at Ingat-yaman, bukod sa Director sa Siyudad, dahil maaring maging apat pataas ang maging chapter office ng kada-Siyudad na patatakbuhin naman ng isang Coordinator sa kada Chapter Office....
5. Anu-ano naman ang mga gagawin natin para makatulong sa ating kalikasan? Marami tayong proyektong pangkabuhayan (Livelihood) na gagawa ng mga bagay-bagay para magamit naman ng mga magtratrabaho sa pagtulong sa ating kalikasan!
6. Napakarami nating teknolohiya na puwede nang magamit ng mga miyembro, ang kulang lang ay trabahador para tayo ay makapagumpisa, at ito ay ituturo namin sa mga interesadong sumapi sa ating Foundation.
6. Saan tayo kukuha ng pondo para magawa ang mga ito? Sa inyo-inyong mga lugar maguumpisa ang paghingi ng tulong sa gobyerno at mga kumpanyang nasasa-inyong lugar, at puwede din na tayo ay umutang sa malalaking bangko dahil gagamitin natin ang mga batas pangkalikasan na aming ituturo sa inyo....ng sa gayun ay hindi tayo mahirapan sa pondo....at hindi tayo puwedeng balewalain dahil ito ay nasa batas.

Ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay isang mahirap na Foundation, ang ibinibigay ng ating mga kasalukuyang Director ay mga pag-aaral para maisakatuparan ang mga proyektong pangkalikasan, kaya humihingi kami ng tulong, ng tulong pinansyal na maibabalik din sa inyo, dahil tayo ay isa ding ahensiya ng DSWD, kaya puwedeng ibawas sa inyong pagbabayad ng buwis kung may kumpanya ang mga tutulong at maging ng ahensiya ng gobyerno, magtulong-tulong na po sana tayo....

Kung sino man ang interesadong tumulong at magkaroon ng branch office sa inyong lugar, ay mag-email lang po sa gsgwfi@virginpecopro.net at ilagay ang inyong telepono at kami ang kokontak sa inyo, at pupunta kami sa inyong lugar para mapag-usapan ang itatayo nating baranch office sa inyo-inyong lugar, tiyakin lang na ang inyong lugar ay sinasakop ng Region 3 o NCR.......at yung may mga dati ng grupong pangkalikasan ay hinihimok din naming sumapi sa "Save Our Nature Philippines Movement' ng sa gayun ay magamit din ninyo ang mga nakahanda naming "Feasibility Study" o mga "Pinag-aralan para Maisakatuparang mga Proyekto", salamat ho, mabuhay, at GOD Bless sa lahat!

Jaime Leandro F. Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

Paunawa - Kung nais makita ang mga halimbawa ng aming mga ginagawa ay i-klik lang po ang asul na mga letra ng Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

Friday, September 3, 2010

Susuko na ba ako?


Susuko na ba ako?  Ano na ba ang nangyayari sa akin, bakit nitong mga huling araw ay parang kinatatamaran ko ng mag-isip ng mga bagay-bagay para makatulong sa ating kalikasan at nagbabalak na ding ihinto ang aking mga ginagawa, pero bakit tuwing magbabalak ako ay parang ipinahihiwatig ng ating "Diyos" na huwag akong tumigil......pero nahihirapan na talaga ako sa pagwawalang-bahala ng mga nakakakilala sa akin na alamin ang aking mga ginagawa para sa ating kalikasan, unahin ko na ang mga kamag-anak ko, ano kaya ang nasasaloob nila......na ako ay malapit ng masira ang ulo sa mga ginagawa ko....kailangan sigurong ipakita ko sa kanila na ang utak ko ay kasintalas pa din ng ako ay nagtratrabaho sa isang malaking kumpanya ng telepono.......

Taong 2000 ako nag-umpisa at taong 2004 ko unang binalak tigilan na ang mga ginagawa ko, ang pagtulong sa mga may-sakit, dahil nagkaroon ng onsehan sa kumpanyang itinayo namin sa Laguna, at ang pagtulong sa ating kalikasan dahil kailangan ang isang kumpanya para sa mga bagay na gagamitin....pero may isang pangyayari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.....gawa ng kaunting pagkakamali sa elektrisidad na ginawa ng tauhan ko ay nagkasunog sa bahay namin, mabuti na lang at hindi ako umalis ng araw na iyon......noong isinigaw sa akin na nasusunog ang itaas ng bahay namin ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo paakyat, wala kahit na anong panangalang o pamatay ng apoy na dala, ang sahig na kahoy ay nagliliyab na pati dingding at kisame, wala na akong magawa kundi hampasin ng hampasin ng nadampot kong damit ang mga nasusunog na bahagi, umiiyak at sumisigaw ako ng "Diyos ko" kung hindi ko mapapatay itong apoy ay sasama na ako, at himala ng himala nagkaisip ang mga bata sa kapitbahay na mag-akyat ng timba ng tubig, sa isip ko ano ang magagawa nito, sa maniwala kayo o sa hindi, parang may nagbulong sa akin na ang buhusan mo yung kisame, dahil pakalat na iyon, at ginawa ko naman, salamat sa "Diyos" at napatay ko yung sa kisame at yung mga kasunod na mga timba ay sa posible ng kuryente na pinagumpisahan ng sunog at yung sahig na kahoy na ang pinatay ko. Hindi ako makapaniwala na sa tatlong timba ng tubig ay mapapatay ko ang apoy na halos kalat na sa buong kuwarto, sunog-sunog ang mga paa at kamay ko pero hindi ko ito pinansin ang mahalaga buo ang bahay ko na pinaghirapan ko ng kung ilang taon!

Isang paalala lang sa mga bumbero natin, mas mabuti siguro doon sila magbuhos ng konsentrasyon sa kauumpisa pa lang ng sunog na bahay kaysa sa sunog na, o sa mga bahay na nakapalibot sa isang nasusunog o halos sunog na....tiyak na hindi gaanong lalaki ang sunog!

Isa pang pangyayari nitong mga nakaraang araw, sabi ko sa sarili ko, siguro dapat tigilan ko na talaga itong itinayo kong Foundation dahil parang tinatamad na yung mga Director na umattend ng meeting, siguro naiisip nila wala na akong pang-gastos sa mga gusto kong gawin at baka mautangan ko pa sila......isa o dalawa lang ang umaatend ng meeting kaya wala laging kurom, liban sa bigyan ko ng direktiba ang mga medyo sinipag na dumalo. Naisip ko isara na lang ang Foundation at mag-apply na lang ako sa malalaking Foundation na may pondo para magawa ang mga proyektong pangkalikasan, pero naisip ko din na paano naman yung mga miyembrong walang trabaho na pinangakuan ko na sila ang mga magtratrabaho....kaya magulo ang isip ko ng mga araw na iyon at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko......

Hangang isang araw na nagising ako na puno ng usok na mabaho ang kuwarto ko, wala namang sumisigaw ng sunog at sa isip ko naguumpisa pa lang.....pero laking gulat ko ng makita ko sa lababo na sunog na kaldero ang nandoon na ibig sabihin kapapatay pa lang.....biro ninyo sa pagtatanong ko dito, walang umamin na sila ang nakalimot iwanan yung kalan, ang umamin na nagpatay yun lang.....ano ba ito, muntik na naman palang nasunog ang bahay ko, ang masakit nito sumasabog ang LPG kaya baka natusta ako kung hindi nakita agad yung nasusunog na kaldero.......ayaw pa talaga ng ating "Diyos" na mawala ako, at ayaw niya din na tigilan ko na ito, ang pangangalaga ng kalikasan, at pagtulong sa mga kababayan nating walang mga trabaho......at pagbibigay ng mga pangkabuhayang proyekto (Livelihood)......at pagtulong sa mga batang lansangan na siya kong unang pinangarap na tulungan....mawawala lahat ito.......kung itutuloy ko ang binabalak kong pagsapi sa ibang Foundation....

Kaya balik ulit sa nasimulan ko, at ipinangako sa "Diyos" na dito na talaga ako mamamatay, ang pagtulong sa ating kalikasan at naghihirap na kababayan, at kahit na ano ang mangyari, hindi na ako bibitaw......

Sana mabasa ito ng aking mga kamag-anak at baka maawang tulungan ako sa hangarin ko, sa mga dati kong kasamahan sa PLDT, tulungan ninyo ako sa pagiging "Miyembrong Tagapagtaguyod" ng ating Foundation, hindi pa ako lumalapit sa inyo noong mga nakaraang araw dahil hindi pa tapos ang mga pananaliksik (Research) ko, ngayon ay tapos na, at huwag kayong mag-alala at hindi tibayan ito na walang tibay o networking, dahil dito kayo mismo ang hahawak ng perang itutulong ninyo, at dahil miyembro kayo, babalik ang inyong ini-share o itinulong sa Foundation, at sa inyong lugar mismo natin gagawin ang pagtulong sa ating kalikasan, sa proyektong "Kapaligiran ko, Panga-ngalagaan ko".....dahil hindi ko naman ihihingi sa inyo ng tulong ang ilog namin sa Meycauayan, sa kadahinanang hindi kayo taga-rito, babalikatin namin ito ng mga miyembrong taga-rito at mga "Miyembrong Tagapagtaguyod", sa tulong na din ng mga kumpanyang mababait ang mga may-ari na laang tumulong sa ating kalikasan.......

Kaunti na lang ang buhay natin, itulong na lang natin ang konti nating sigla at talino sa ating kalikasan habang hindi pa tayo ulyanin........at habang buhay pa tayo..........dahil ayaw man natin........kukunin din tayo ng "Diyos" natin......

At kung sakali man na kayo ay may dinaramdam o may karamdaman, hayaan ninyo akong tulungan kayo, dahil from telephone expert ay naging environmentalist at natural health consultant ang dati ninyong kaibigan at kasama sa trabaho. Ang dami na palang nawala sa ating mga kasamahan noong ako ay nasa Amerika, nakalulungkot din na isiping hindi ko sila natulungan dahil wala ako sa ating bansa....

Salamat po sa mga nagbasa at sana po ay maikalat itong blog na ito sa tulong ninyo, na makarating sa mga dati kong kasamahan sa PLDT......at sa mga naniniwala sa akin......"GOD Bless" po at salamat sa lahat....ng nagbasa....

Jaime Leandro F. Reyes (Jimmy Reyes)
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.
0915-7194808
Kilala sa bansag na "Kabayo" sa PLDT Co. (Dati akong magaling mag-basketball)

Klik lang po ang "Susuko na ba ako?" sa itaas o kaya ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. para makita ang mga karagdagang impormasyon sa ating website!